HINDI LAGING IT'S
MORE FUN IN THE

PHILIPPINES

logo of Disaster Ready PH with tagline your guide to disaster preparednessMaging Handa

Pilipinas ang No. 1 na Most Disaster Prone Country sa Buong Mundo

Ayon sa World Risk Index 20231, ang Pilipinas ang ika-1, bilang pinaka-prone ng kalamidad sa 193 na bansa sa United Nations; sa loob ng 13 magkakasunod na taon.2

463 billion pesos worth of damages from disasters from 2010 to 2019average of 20 typhoons every year
up to 150 earthquakes felt every year275407 damaged houses just in 2022 alone24 active volcanoes in the country12097 deaths from disasters from 2010 to 2019

*Check sources below3

Handa ba ang pamilya mo?

logo of Disaster Ready PH with tagline your guide to disaster preparedness

Maging disaster ready. Gagabayan ka namin step by step.

Mga Kalamidad at Natural na Bantang Panganib

Bagyo (Tropical Cyclone)

[Expand All]
[Collapse All]
typhoon animated
earthquake animated

Pagputok ng Bulkan

[Expand All]
[Collapse All]
volcanic eruption animated

Surviving Nature’s Fury: A Philippine Disaster Quiz

Subukan ang iyong kaalaman tungkol sa makapangyarihang pwersa na humuhubog sa Pilipinas. Mula sa lindol hanggang sa pagsabog ng bulkan, sumisid sa puso ng disaster resilience!

Start Quiz

Hazard Assessment

Magsagawa ng Hazard Assessment

Ang unang hakbang ng bawat paghahanda sa kalamidad ay hazard assessment o pagtatasa ng panganib.

Hazard assessment is a thorough check of the environment to identify potential risks and hazards. The purpose of a hazard assessment is to identify safety measures  to mitigate the identified hazards.

Hazard Assessment Tools

logo of Hazard Hunter PH with tagline Hazard Assessment at your Fingertips

Gamitin ang Hazard Hunter PH sa iyong pagtatasa ng panganib.

Ang Hazard Hunter PH ay ang one-stop shop ng bansa para sa pagtatasa ng panganib.

  • Alamin kung ang isanglokasyon ay prone sa mga panganib sa lindol, bulkan, o bagyo.
  • Mag-generate ng mga hazardassessment reports.
  • Tingnan kung aling mgakritikal na pasilidad at lugar sa Pilipinas ang prone sa iba’t-ibang panganib.
  • Lahat ng impormasyon sa hazards na ginamit para sa assessment ay galing sa mga ahensya ng gobyerno.

Wow!
Tapos ka na sa iyong hazard assessent.

Ngayon na natukoy mo na ang mga bantang panganib sa iyong lugar at bahay, pati na rin ang mga ligtas na lugar at mga ruta, kailangan na natin gumawa ng emergency plan.

Mga Gabay sa Emerency Planning

Emergency Preparedness Keypoints. Be Informed, Make a Plan and Be Prepared

Ang  kaligtasan ng pamilya at pamayanan ay hindi nag-iisang responsibilidad ng pamahalaan.  Inaasahan na ang lahat ay makikibahagi sa mga gawain upang gawing handa  at ligtas ang bawat pamilya at pamayanan. Ang mga sumusunod ay  karagdagang gabay para sa kahandaan at kaligtasan ng pamilya at pamayanan.

Now that you are familiar with disasters and already did a hazard assessment:

DISASTER SCENARIOS (WHAT TO EXPECT)

Sa panahon ngmga sakuna, maaaring kailanganin mong mag-rely sa iyong sarili at mag-survivenang mag-isa sa loob ng ilang araw. Maaaring wala kang access sa mga medikal napasilidad, maaaring limitado ang mga supply para sa iyong pang-araw-araw napangangailangan. Ang pag-alam sa mga bagay na ito ay makakatulong sa iyong pagpaplanoat paghahanda para sa mga sakuna.

  • Pagkawala ng Kuryente (Brownout)
    Maaaring masiraang mga linya ng kuryente sa panahon ng sakuna at maaaring tumagal ng ilangaraw bago maibalik ang kuryente.
  • Limitadong Suplay ng Tubig
    Sa panahon ngmga sakuna, ang mga linya ng tubig ay maaaring masira at makontamina, nanagpapahirap sa pag-access sa malinis na tubig. Mag-imbak ng maraming tubig saloob ng ilang araw at alalahanin ang paraan ng paggamit mo ng stock na tubighanggang sa bumalik sa normal ang lahat. Abangan ang anunsyo ng mga rasyon ngtubig.
  • Walanginternet o signal sa telepono
    Maaaring masira ng mga kalamidad  ang mga imprastrakturang internet at telekomunikasyon at maaaring abutin ng ilang araw bago ito maayos. Maaaring maging mahirap ang komunikasyon.
  • Sarado ang mga tindahan, supplier ng LPG, Gas station, at bangko, maaaring offline ang mga ATM
    Sa panahon ng kalamidad, tumataas angpangangailangan para sa pagkain at gas. Karamihan sa mga tindahan, LPGsupplier at gas station ay maaaring sarado o ang kalsadang patungo sa kanila aymaaaring hindi madaanan. Ang pag-access sa pera, pagkain, gas at iba pang mgaserbisyo sa panahon ng mga sakuna ay maaaring maging mahirap. Mag-stock nangmaaga kapag may mga babala sa kalamidad.
  • Hindi madaanan ang mga kalsada
    Maaaring magbago ang lupain sa panahon ng sakuna. Dahil sa mga landslide, mga bitak sa lupa, mga natumbang puno at linya ng kuryente sa kalsada, mga nasirang tulay at lagusan ay maaaring hindi na madaanan ang mga kalsada at regular na ruta. Maaaring mahirap ang pag-access sa mga pangunahing pasilidad at rescue.
  • Pagkasira ng bahay
    Sa panahon ng mga sakuna, ang malakas na hangin ay maaaring magdala ng mga bubong at mga sanga na lumilipad, ang pagyanig ng lupa ay maaaring makapinsala sa istrakturang iyong bahay o mga pundasyon nito.
  • Secondary Disasters
    Ang isang kalamidad ay maaaring humantong sa isa pa. Kung may babala para sa bagyo, ang pangalawang kalamidad ay maaaring pagbaha at pagguho ng lupa. Para naman sa mgalindol, aftershocks, landslide o tsunami ay maaaring sumunod.
  • Injury
    Maraming tao ang napapahamak, nasasaktan at naiinjury sa panahon ng kalamidad. Maaaring mahirapan makakuha ng tulong medikal. Matuto ng first aid.

GUIDE QUESTIONS

Para simulan ang iyong emergency plan, i-discuss at pag-isipan ang mga tanong sa ibaba kasama ang iyong sambahayan o ang iyong pangkat.

1. Paano kamakakatanggap ng impormasyon, alerto at babala?
2. Ano angiyong plano sa pananatili sa bahay/trabaho/paaralan upang masilungan habang may bantang panganib?
3. Ano angiyong ruta ng paglikas?
4. Ano angiyong plano sa komunikasyon?
5. Updated baang iyong emergency bag at first aid kit?
6. Paano nyo tutugunan ang mga espesyal na pangangailangan ng bawat isa?

Source: Ready.gov
Be informed: Hazards, alerts and warning signals

Make a plan: communication plan, reunification plan, financial plan for disasters and evacuation plan

Be Prepared: Learnn safety skills, repair damages and strengthen vulnerable areas, emergency go bag and practice drills.

KAHANDAAN NG PAMILYA

Dapat paghandaanng pamilya ang mga bantang panganib na maaari nilangharapin. Ang mgasumusunod ay mga batayang gabay para sa paghahanda ngpamilya:

MAGING INFORMED

  1. Hazards
    Tukuyin ang mga panganibsa iyong lugar. Maaari mong suriin sa mga hazard maps o tanungin ang mga lokal na opisyal o community leader tungkol sa karagdagang impormasyon sa mga panganib sa iyong lugar.
    I-check ang Hazard Assessment para sa mga alituntunin.
  2. Mga Alerto at Warning Signals
    Maging pamilyar sa mga warning signals sa nasyunal at lokal na antas. Halimbawa: Storm Signal No.1 (para sa national warning signal) at Sirens (para sa Tsunami alerts sa iyong lokal na lugar). Ang bawat komunidad ay may kanya-kanyang paraan ngpag-alerto sa mga tao nito, (ang ilan ay gumagamit ng batingaw o gong, atbp.) Gawing pamilyar ang iyong sarili upang makatugon ka nang naaayon.
  3. Ruta ng Evacuation
    Siguraduhing alam ng lahat ang lokasyon ng mga evacuation center para sa bawat panganib at ang mga ligtas na ruta papunta rito.
  4. Emergency Numbers
    Maglista ng mahahalagang numero at numero ng emergency. Ipa-print ito. Bigyan ng mga kopya ang bawat miyembro ng sambahayan.

MAGPLANO

  • Communication Plan
    Gumawa ng plano sa komunikasyon ng pamilya. Mag-set up ng plano kung paano kayo makakapag-usap sa iba't ibang mga sitwasyon (walang internet, walang signal ng telepono).
  • Reunification Plan
    Gumawa ng family reunification plan at magtakda ng meet-up place kung sakaling magkahiwalay ang pamilya.
  • Evacuation Plan
    Gumawa ng plano sa paglikas. Ano ang dapat dalhin, ano ang gagawin, at kung saan pupunta.
  • Financial Plan
    Gumawa ng plano para isama ang mga emergency sa iyong pananalapi. Nangyayari ang mga emergency nang hindi inaasahan, ang paghahanda para dito financially ay mas nagpapadali ng iyong pag-recover. Para sa emergency fund, magandang mag-ipon ng 3 hanggang 6 na buwang halaga ng buwanang gastos. Halimbawa: Kung bawat buwan ay gumagastos ka ng 10K para mapanatili angiyong pamumuhay, kailangan mong mag-ipon ng hindi bababa sa 30K para sa emergency fund.
  • Download Disaster Ready Emergency Plan

MAGHANDA

  • Magtalaga ng Responsibilidad
    Bigyan ng mgaresponsibilidad ang bawat miyembro ng sambahayan. Tiyaking alam ng lahat kung ano ang kailangan nilang gawin.
  • Ayusin at Pagtibayin ang iyong Bahay
    Suriin ang iyong bahay at ayusin ang anumang mga pinsala at mga lugar na hindi matibay. Sundin ang building code sa pagtatayo ng bahay.
  • Emergency Bag
    Maghanda ng emergency bag (go bag). I-check ang Emergency Bag para sa guidelines.
  • Makipag-ugnayan sa Komunidad
    Makipag-ugnayansa mga kapitbahay at tumulong sa isa't isa.
  • Maging Alerto at Makinig sa Balita
    Maging alerto kapag may hazard warning, maging mapagmasid at makinig sa mga balita at anunsyo mula sa mga awtoridad.
  • Lumikas kapag Inabisuhan
    Lumikas kaagad kapag inabisuhan ng mga awtoridad.

KAHANDAAN NG KOMUNIDAD

Ang mga lokal  na opisyal kasama ang mga tagapangasiwa ng paaralan at opisina ay maaaring  mamuno sa pamamagitan ng mahusay na pagpaplano ng mga gawain na nakatuon sa pagbuo ng handang  komunidad. Ang mga sumusunod na gabay ay  makatutulong sa mga lider sa pagpapanatiling ligtas at handa ang mga  komunidad:

  1. Mag-recruit o magtalaga ng mga tao na may katulad na interes sa pagbuo ng ligtasnakomunidad.
  2. Alamin ang mga bantang panganib sa komunidad at ang mga maaaring magamit upang paghandaan ang mga ito.
  3. Itakda ang mga layunin at planuhin ang mga aktibidad na nakatuon para rito.
  4. Pag-aralan ang mga kasanayan ng ibang mga komunidad. Turuan ang mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng mga video at publikasyon ng ProjectDINA. Magtakda ng mga pagsasanay sa kahandaan at pagtugon sa sakuna.
  5. Panatilihin ang katatagan ng komunidad at maging mapagbantay lalo na kapag nagbabanta ang mga panganib. Subaybayan ang sitwasyon, makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad, at ipamahagi ang mga kautusang pangkaligtasan at paglikas sa tamang oras.

Mga Konsiderasyon para sa PWDs

Kapag gumagawa ng mga plano para sa komunidad, isaalang-alang ang mga karagdagang pangangailangan ng mga PWD.

  • Ang mga partikular na pangangailangan ng komunidad ng PWD:
    Iba-iba ang mga pangangailangan ng PWD depende sa kanilang kapansanan. Halimbawa, ang mga taong may kapansanan sa paningin ay maaaring mangailangan ng mga espesyal na mapa at mga instruction, habang ang mga taong may mobility impairments ay maaaring mangailangan ng mga rampa at mga banyo na accessible gamit ang wheelchairs.
  • Ang pagkakaroon ng mga resources:
    Ang availability ng resources ay makakaapekto rin sa uri ng mga pagbabagong maaaring gawin. Halimbawa, kung walang magagamit na pera upang magtayo ng mga bagong shelter,maaaring kailanganin na baguhin ang mga kasalukuyang shelter upang maging accessible.
  • Ang kagustuhan ng komunidad na tumulong:
    May ginagampanang papel ang komunidad sa pagsuporta sa PWD sa panahon ng kalamidad. Halimbawa, maaari silang tumulong upang ilikas ang PWD sa kaligtasan, o maaari silang bigyan ng pagkain at tubig.
Source: PIA 4

PAGLIKAS

Kapag lumikas ang pamilya, kailangan itong paghandaan upang matiyak ang kaligtasan ng buong pamilya. Ang mga sumusunod ay mga tip para sa ligtas na paglikas:

  1. Siguraduhing nakasara ang lahat ng bintana at pinto ng bahay.
  2. Siguraduhing walang maiiwang nasusunog na kandila o kalan, mga nakasaksak na appliances, at bukas na gripo.
  3. Siguraduhing ligtas ang mga hayop. Kung hindi mo sila madala, humanap ng ligtas na lugar para sa kanila o tanggalin ang pagkakatali sa kanila.
  4. Magdala lamang ng mga kinakailangang bagay. Ihanda ng maaga ang iyong Emergency Bag (Go Bag).
  5. Makipag-ugnayan sa awtoridad at mga pinuno ng komunidad.
  6. Lumikas nang maaga kapag inabisuhan. Huwag maghintay hanggang sa maging masyado nang peligroso ang paglalakbay.
  7. Kung kailangan mong lumikas ngunit may ibang miyembro ng sambahayan na hindi pa nakauwi, makipag-ugnayan sa kanila o mag-iwan ng note para sa kanila. Sumangguni sa iyong family reunification at communication plan.

Kung gagamit ng sariling sasakyan:

  • Tiyaking maayos angkondisyon ng sasakyan bago bumiyahe.
  • Tiyaking kumpleto ang mga dokumento at papeles tulad ng lisensya sa pagmamaneho, registration at insurance certificates ng sasakyan.

Kung gagamit ng pampublikong sasakyan:

  • Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas at magdala ng maraming pera.
  • Magdala lamang ng sapat na dami ng damit at gamit upang hindi mahirapan.
  • Maging alerto sa mga mandurukot sa istasyon at loob ng sasakyan.
  • Kung may napansing kahina-hinalang bagay tulad ng naiwang bagahe o kahon, manatiling mahinahon at ipaalam agad sa kinauukulan.
  • Sumangguni sa mga itinalagang Assistance o Information Desks kung may kailangang tulong o impormasyon.

Kahandaan ng PWDs at ng mga may Mobility issues

"Once the disaster strikes, it will not discriminate against anyone."

"Hindi porket PWD ka, hindi ka na pwedeng maghanda. Hindi pwedeng aasa na lang tayo (PWDs) sa mga kapwa natin when it comes to disaster preparedness. We should get involved and know the hazards to prepare for it."

"Because we never know when a disaster or an emergency will happen, PWDs should always be on guard, take necessary safety and prevention measures and communicate with their network."

- Joel Tangunan
Vice President of the Pangasinan Persons with Disability (PWD) Federation

Ang kalamidad  ay nakakaapekto sa lahat. Ngunit ang mga taong may kapansanan ay dalawang  beses na mas malamang na mawalan ng buhay o mainjury kaysa sa pangkalahatang  populasyon sa panahon ng mga sakuna. Gawing mas kritikal ang paghahanda sa  sakuna. Narito ang isang gabay na ibinahagi ni Joel Tangunan sa kanyang mga  kapwa PWD:

  • Matutong tukuyin ang iyong risk map at mga panganib sa paligid, sa kalusugan at sitwasyon mo. Kabilang dito ang pag-alam sa mga uri ng sakuna na karaniwan sa iyong lugar,pati na rin ang mga partikular na panganib na kinakaharap mo dahil sa iyongkapansanan. Halimbawa, kung ikaw ay gumagamit ng wheelchair, kakailanganin mongmagkaroon ng kamalayan sa pagkakaroon ng mga rampa at iba pang accessible namga pasilidad sa iyong lugar.
  • Suriin ang iyong mgapisikal na limitasyon at kahinaan. Makakatulong ito sa iyo na bumuo ng isangplano sa paghahanda sa sakuna na makatotohanan at makakamit. Halimbawa, kungnahihirapan kang maglakad, maaaring kailanganin mong gumawa ng mga kaayusan parasa isang tao na tumulong sa iyong lumikas sakaling magkaroon ng sakuna.
  • Matutong iakma ang iyong nasuri na mga pisikal na limitasyon at kahinaan sa iyong risk map at panganib sa paligid mo. Nangangahulugan ito ng paghahanap ng mga paraan upang mabawasan ang mga panganib na kinakaharap mo dahil sa iyong kapansanan. Halimbawa, kung ikaw ay bulag, maaaring kailanganin mong matutunan kung paano gumamit ng tungkod o gabay na aso upang matulungan kang mag-navigate sa iyong kapaligiran.
  • Simulan ang iyong network ng disaster resilience sa iyong sariling pamilya at sa kalaunan ay palawakin ito sa iyong komunidad. Makakatulong ito sa iyo na makakuha ng suporta na kailangan mo sa kaganapan ng isang sakuna. Halimbawa, maaari kang bumuo ng buddy system kasama ang isang kaibigan o kapitbahay na makakatulong saiyong lumikas o makapunta sa kaligtasan.
  • Magkaroon ngregular na pag-uusap sa iyong immediate network tungkol sa kung ano angihahanda sa iyo bilang bahagi ng contingency at bilang isang aktibong miyembrong iyong network. Makakatulong ito upang matiyak na ang lahat sa iyong networkay handa para sa isang sakuna. Halimbawa, maaari mong talakayin kung anong mgasupply ang kailangan mong itabi, o kung anong mga kasanayan sa first-aid angkailangan mong matutunan.
  • . Gumawa ngregular na drill ng family network’s contingency plan at mitigation, kabilangang pag-iimbak, (kung posible, pag-aralang gumawa ng sarili mong pagkain tulad ng mga halamang gulay), pag-aaral ng first-aid, portable water filter system, basic ham radio, at iba pang kailangang mga bagay upang magsimula sa iyong paghahanda. Makakatulong ito sa iyo na maisagawa ang iyong plano sa paghahanda sa sakuna at matukoy ang anumang mga lugar na nangangailangan ng improvement.
Source: PIA 4

Kahandaan ng mga Alagang Hayop

Ang mga alagang hayop ay parte ng pamilya o kabuhayan. Isaalang-alang ang mga ito sa panahon ng kalamidad. Kung pinapayuhan ka ng mga lokal na awtoridad na lumikas, nangangahulugan iyon na kailangan din ilikas ang iyong mga alagang hayop. Kung sila ay maiwan, maaari silang mawala, masugatan o mamatay.

  • Evacuation Plan para sa Alagang Hayop
    Maraming mgapasilidad at shelter ang hindi pinapayagan ang mga alagang hayop sa loob.Magplano nang maaga at maghanap ng ligtas na lugar para sa iyong mga alaganghayop bago ang mga sakuna.
    Kung hindi posible ang paglikas, tulad ng para sa mas malalaking hayop, dapat kang magpasya kung pananatilihin mo sila sa kulungan nila nang walang mag-aalaga o kakalasin sila sa pagkakatali at pakakawalan sila upang mailigtas nila ang kanilang mga sarili.
  • Animal Identification
    Tiyakin na ang lahat ng mga hayop ay may isang uri ngpagkakakilanlan. Hal: Collar na may tag ng ID. Kung posible, isama ang iyong contactinformation, kung sakaling mawala sila.
  • Emergency Supplies kapag Naglalakbay kasama ang Alagang Hayop
    Maghanda para sa pagkain ng hayop, tubig, gamot, mgapangangailangan sa kalinisan (upang linisin ang dumi ng iyong mga alaganghayop), travel carrier/crate, mga pamilyar na laruan nila upang mabawasan angkanilang stress at larawan mo kasama ang iyong alagang hayop kung sakalingmawala sila at kailangan mo silang hanapin.
  • Vaccinate
    Kung maglalakbay ka o lilikas, ang iyong mga hayop ay maaaring malantad sa mga bagong pathogen o maging carrier ng mga nakakahawa o nakamamatay na sakit kaya siguraduhing nabakunahan sila para sa kanilang proteksyon at pati na rin sa kaligtasan ng iba.

Build your Emergency Bag (Go Bag)

Ang GO BAG o Disaster Preparedness Bag ay isang bag na naglalaman ng pagkain at tubig, gamot at iba pang mga pangunahing pangangailangan na sapat parasa tatlong araw. Ito ay pagtitiyak ng kaligtasan ng pamilya kahit magkaroon ng pagkaantala sa pagdating ng tulong.

Budget Friendly na Emergency Bag

Ang pagbuo ng iyong emergency bag (go bag) ay hindi kailangang magastos. Sundin ang mga tipid tips na ito:

  • Maghanda nang hindibababa sa 3 araw.
  • Buuin ang iyong emergency bag sa ng paunti-unti.
  • Magsimula sa mga bagayna mayroon ka na sa iyong tahanan.
  • Kapag bumibili ng iyong mga regular na supply, subukang kumuha ng isang karagdagang supply tulad ng mga de-latang para sa emergency bag.
  • Pumili ng mga item namaraming gamit. Hal: garbage bag o malaking plastic bag ay maaaring gamitinupang protektahan ang iyong mga bagay mula sa tubig, magtayo ng pansamantalangsilungan, protektahan ka mula sa ulan.
  • Manatili sa mga pangunahing pangangailangan: Pagkain,Tirahan at Kaligtasan
    Pagkain, tubig, gamot,flashlight, damit, kumot, pera, mga kasangkapan sa komunikasyon, mga tool paraprotektahan ang iyong sarili, tulungan kang maglakbay o mag-shelter at mgakasangkapan para sa pagkain.
blue green bag pack illustration
food and medicine button
toiletries button
emergency tools button
documents and cash button

Pagkain at Gamot

bottled water
Tubig (sapat para sa 3 araw)
1 gallon per person per day
canned goods
Non-perishable food (3 days min)
de lata, biskwit, noodles
pots, can opener, spoon, fork, knife, plates, cup
Utensils
baso, plato, utensils, can opener,
first aid kit
First Aid Kit
bottles of medicine, tablets and pills
Gamot (sa ubo, sipon, trangkso, lagnat, allergy, sakit ng ulo, hyperacidity, diarrhea)
baby food, milk bottle, and pet food
Special Needs
Baby food, pet food

Toiletries

facemask and alcohol
Covid Safety Kit (good for 3 days)
Alcohol, facemask
toothbrush, toothpaste and soap
Personal Hygiene
antibacterial soap, toothbrush, toothpaste, deodorant
clothes
Damit (good for 3 days)
underwear, tuwalya, kumot, comfortableng damit, tsinelas
mosquito spray
Mosquito repellent
dishwashing soap, detergent, tissue
Cleaning
Detergent and dishwashing soap, tissue / wet wipes
diaper and sanitary napkin
Special Needs
Sanitary napkin, diapers

Emergency Tools

candle, flashlight and matches
Pang-ilaw at fire starters
flashlight, kandila, posporo, lighter
phone, power bank, battery
Communication tools
phone, charger, power bank, portable radio & extra batteries
whistle
Whistle o Pito
para ipaalam ang iyong lokasyon kung ikaw ay ma-trap o maligaw
rope and utility knife
Kutsilyo and Lubid
teddy bear
Tools of comfort
fan, toys and games for kid
notebooks and pens
Notebook & pens
If you need to leave a message or get info

Importanteng Dokumento at Cash

wallet of cash
Emergency money
Cash, ATM and passbook
passport
Proof of Identity
Government issued ID, passport
certificate
Important Certificates
Birth, Marriage, Death Certificate
receipt and land title
Property Documents
Land titles, Proof of ownership, ORCR
medical records and pills
Medical Documents
Medical records, Insurance, emergency ID
phone book
Emergency Numbers
Printed
Important Tips
Mayroong  maraming mga listahan ng emergency bag diyan, ngunit hindi mo kailangang  sundin ang bawat item. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang natatanging  pangangailangan. Bumuo ng emergency supply na naaangkop para sa iyo. Isipin ang mga karaniwang panganib sa iyong  lugar at tukuyin ang mga posibleng senaryo na maaaring mangyari. Maghanda ng  mga item na makakatulong sa iyo sa mga sitwasyong iyon.Ang mga  posibleng sitwasyon ay pagkawala ng kuryente, limitadong supply ng tubig,  walang signal, limitadong gas, biglaang paglisan, paghihiwalay sa pamilya,  mga baradong kalsada, stranded, sarado ang mga tindahan, limitadong banyo sa  evacuation center, atbp.

Emergency Numbers

Emergency Communication Plan ng Pamilya

Ang paggawa  ng Emergency Communication Plan ay mahalaga upang matiyak na ang lahat sa  iyong sambahayan ay mananatiling konektado at informed sa panahon ng emergency;  lalo na kung magkahiwalay kayo. Narito ang mga hakbang upang lumikha ng isang  epektibong plano:

1. Kolektahin ang mga Contact Information:
Isulat ang mga numero ng telepono at email address para sa lahat ng miyembro ng sambahayan, kamag-anak, malalapit na kaibigan at mahahalagang opisina (tulad ng mgaospital, klinika, doktor, paaralan, tagapagbigay ng serbisyo, lugar ng trabaho) Isama ang impormasyon para sa mga espesyal na pangangailangan, tulad ng para sa mga bata, para sa mga matatandang miyembro, para sa PWD, mga alagang hayop at tagapag-alaga.

2. Ipamahagi ang Plano
Gumawa ng pisikal na kopya ng contact information (naka-print o sulat-kamay) at ipamahagi ito sa bawat miyembro ng sambahayan. Tiyaking dala nila ito sa lahat ng oras.
Magkaroon ng kopya sa bahay at i-save ito sa iyong telepono para sa madaling pag-access

3. Regular na i-update ang mga impormasyon

Family Directory

Purpose: To be able to contact family members in case of emergencies. In case you are separated, you have no signal or your phone broke, you can use another phone and still call them or the places they frequent to look for them.

directory table

Personal Community Directory

Purpose: To be able to contact other people you can ask for help. It could be a relative outside the disaster area or friends who can help you rebuild or call emergency personnel for you. You can also include Care givers, Teachers and Doctors, Church and community leaders.

directory table

Local Emergency Numbers

Purpose: To be able to contact authorities in your area in case you would need to gather information or ask for assisstance.

  • Barangay:
  • Municipality/ City Hall:
  • Police
  • Fire Department
  • Hospital
  • Ambulance
  • MDRRMC
  • Red Cross Chapter
  • DSWD
  • Electric Provider
  • Water Provider

National Emergency Numbers

PAGASA - Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration

PAGASA (dost.gov.ph)
Email
information@pagasa.dost.gov.ph
Address

Science Garden Compound, Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue, Barangay Central, Quezon City, Metro Manila, Philippines 1100

Trunk line number
(02)8284-0800
Local Hotlines
(02)8927-1541(02)8927-1335

PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology

https://www.phivolcs.dost.gov.ph/
Email
od@phivolcs.dost.gov.phphivolcs_mail@phivolcs.dost.gov.ph
Address

PHIVOLCS Building, C.P Garcia Ave., U.P. Diliman, Quezon City, Philippines 1101

Trunk line number
+632 8426-1468 up to 79
Local Hotlines
(02)8927-1541(02)8927-1335
Social Media
FacebookTwitterYoutube

PNP - Philippine National Police

PNP | Philippine National Police
Address

National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City

Trunk line number
(02) 8723-0401(02) 8537-4500
Local Hotlines
117PNP | Phone Directory

PCG - Philippine Coast Guard

Philippine Coast Guard Official Website
Email
cgpao@coastguard.gov.ph
Address

National Headquarters Philippine Coast Guard
139 25th Street, Port Area, Manila 108, Philippines

Mobile number
0966-217-96100969-217-4123
Local Hotlines
(02)8527-3877
Social Media
CoastguardphcoastguardphYoutube

NDRRMC - National Disaster Risk Reduction Management Council

ndrrmc.gov.ph
Email
ndrrmoc@ocd.gov.ph
Address

NDRRMC Building, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City

Trunk line number
+63 02 8911 5061 to 65  Local 100
Local Hotlines
(02) 8911-1406(02)8912-2665(02)8912-5668(02)8912-3046
Social Media
FacebookTwitter

OCD - Office of Civil Defense

Office of Civil Defense (ocd.gov.ph)
Email
publicaffairs@ocd.gov.ph
Address

Office of Civil Defense, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City, Philippines

Trunk line number
(02) 8911 5061 - 65
Social Media
FacebookTwitterYoutube

Resources

Downloads

Videos

Bagyo Video thumbnail
flood video thumbnailearthquake video thumbnailvolcanic eruption video thumbnail
emergency survival kit video thumbnail

1 World Risk Report 2023. Bündnis Entwicklung Hilft, Ruhr University Bochum – Institute for International Law of Peace and Conflict 2023. https://weltrisikobericht.de/en.

2 World Risk Index 2023: Philippines remains the most at-risk country for 13th straight year - Business World Online www.bworldonline.com

3 Volcanoes of the Philippines - PHIVOLCS Volcanoes of the Philippines (dost.gov.ph)

3 Tropical Cyclone Information - PAGASA   PAGASA (dost.gov.ph)

3 DamagesDue to Natural Extreme Events and Disasters Amounted to PhP 463 Billion |Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines (psa.gov.ph)

3 Whydo we need to understand the Big One? Phivolcs explains (mb.com.ph) - Manila Bulletin https://mb.com.ph/2021/11/25/why-do-we-need-to-understand-the-big-one-phivolcs-explains/

3 CPES2012 to 2022 Component 4 Infographics (psa.gov.ph) - PSA psa.gov.ph

4 PIA - Pangasinense shares emergency, disaster preparedness for Filipino PWDs

Top
BAGYOBAHALINDOLPAGPUTOK NG BULKAN